Home
Rules and Regulations
PHC
Data Samples (CHECK this out!)
Class agreements/Researched Information
Everything about our Community
=> Tanauan City Historical Background
=> Administrations
=> Department Heads and Chief of Offices
=> All about Poblacion 5
=> Achievements
=> Projects
=> Tanauan City, Contact No.
Forums
Vote through Polls
Important Links
Contact the Administrator
List of Families - by purok (Sample)

SDBORJA22 (^^,)v

http://www.tanauancity.gov.ph/tanauan/images/map_pob5.JPG

KASAYSAYAN

 

Noong unang araw, ang Bayan ng Tanauan ay walang Barangay. Nabuo lamang ang barangay sa itt ng Pangulo ng Pilipinas Bilang 846. Ang Bayan ng Tanauan ay malaki at ito’y binubuo ng 48 barangay kumpara sa ibang baying nasasakupan ng Batangas. Noong una ang Barangay V ay tinatawag ng mga matatanda na Central sapagkat ito ay nasa centro ng bayan ng Tanauan. Noong early 60’s at mid 70’s, ang Kalinangan St. ngayon ay binubuo ng dalawang hektarya na siyang pinagtatamnan ng palay na pinamahalaan ni G. Polonio Econia. Dito rin sa lugar na ito nakatayo ang istasyon ng Tren na kung saan ikinakarga ang mga tubo (sugarcane) sa tinatawag na bagon.

Noong deklarasyon ng Marshal Law at itatag ang mga barangay, ang kauna-unahang naupong kapitan ay si G. Alfredo Silva. Noong unang magkaroon ng halalang pambarangay noong dekada ’80 ay walang eleksyon para sa kapitan, ngunit kung sino ang may pinaka-mataas na boto ay siyang nagsisilbing kapitan ng barangay na pinamunuan ni G. Conrado Gonzales, Jr. Ang Barangay Poblacion V ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa silangang bahagi nito ay ang Barangay Poblacion II, sa kanlurang bahagi ay ang Barangay Poblacion VII at sa ibaba ay Barangay Poblacion IV at sa ilaya ay ang Barangay Poblacion III.

Ang Poblacion V ay may kabuuang labindalawang hektarya. Ang ika-sampung hektarya ay pang residensyal at ang natitirang bahagi ay pang-komersyal. Sa kasalukuyan ay walang espasyo ng lupa para sa pang-agrikultura. Ang Barangay Poblacion V ay may sariling Barangay Hall na yari sa dalawang palapag. Ang ilalim nito ay ang Barangay Day Care Center at ang katabi nito ay ang Barangay Health Center. Mayroon ding Covered Basketball Court, Senior Citizen Hall at ang barangay chapel. May dalawa ding barangay outposts na matatagpuan sa kalinangan street.

 

SAKLAW NG BARANGAY

 

PISIKAL NA KATANGIAN

Ang Barangay Poblacion V ay may kabuuang sukat na 12 hektarya. Ang ika-10 bahagi nito ay residensiyal at ang natitirang bahagi ay pang-komersiyal. Ang uri ng lupa itto ay malagkit at mapula (claybrown). Ang barangay V ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan. Sa silangang bahagi ay ang barangay II, sa kanlurang bahagi ay ang barangay VII, at sa ibaba ay ang barangay IV at sa ilaya ay ang barangay III.

 

MGA PASILIDAD NG BARANGAY

Ang barangay V ay may iabt-ibang uri ng pasilidad at imprastraktura. Ito ay ang tatlong bangko (Metrobank, BPI Family Bank, at ang PCI Equitable Bank. Mayroon ding hospital na matatagpuan sa barangay. Ito ay ang Gonzales at Silva’s Hospital at isang EENT clinic. Dito sa barangay na ito ay matatgpuan ang barangay day care center, barangay chapel, barangay health center, senior citizen hall, at ang covered basketball court at maging barangay outpost. Mayroon ding grocery store, ito ay ang Golden Star at ang Luvel’s. Mayroon ding pagupitan gaya ng Bachelors barber shop at Ystilo salon.

 

URI NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON

Ang barangay V ay mayroong ibat ibang uri ng pampublikong sasakyan. Nandyan ang jeep na bumubyahe papuntang Lipa at bus na bumabyahe papuntang Batangas, at tricycle na syang naghahatid sa ibat ibang lugar sa Lungsod ng Tanauan. Pangunahin ditto ay ang paghahatid patungo sa ibat-ibang eskwelahan at maging sa simbahan.

 

MGA INSTITUSYONG PAUTANGAN

May mga institusyong pautangan na matatagpuan sa barangay V. Andyan ang ibat-ibang banko gaya ng Metrobank, BPI Family Bank at ang Equitable PCI Bank. Mayroon ding credit institution para sa mga guro na matatagpuan sa F. Platon st., at ang CARD na matatagpuan sa Kalinangan St.

 

TUBIG AT ELECKTRISIDAD

Ang barangy V ay pinagsisilbihan ng Tanauan Water District na pinakikinabangan ng mahigit kumulang na 300 na sambahayan at kuryente o elektrisidad naman ay ang Batellec II na pinakikinabanagn ng humugit kumulang sa 200 sambahayan.

 

PAMAMAHALA NG BASURA

Sa kasulukuyan ang barangay V ay walang uri ng pasilidad patungkol sa basura. Ngunit, pansamantalang inilalagak ng mga residente nito ang kanilang basura sa harap ng basketball court at araw araw itong kinokolekta ng trak ng basura ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

 

KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Masasabing ang barangay V ay may kapayapaan at may kaayusan. Malibang na lamang sa panakanakang insidente sa agawan ng cellphone at holdapan na karamihan ang gumagawa nito ay mga pawing dayo lamang.

 

MGA OPISYALES NG BARANGAY

 

Brgy Chairman

TORRES, OSCAR M.

SK Chairman

 

SUMAGUE, GERARD ROMEO

DEMOGRAPIYA

 

Purok Name

Total Household

Total Population

Ave. HH size Male

Total Male

Prop. Male to Female

Total Female

Prop. Female To Male

1

289

1567

5

716

45.7

851

54.3

 

KALAGAYANG PANTAO

 

TUBIG AT KALINISAN

Ang pinagkukunan ng tubig ng barangay V ay ang community water system-own na may bilang na 268 o 92.70% ng sambahayan at community water system shared na may bilang na 21 o 7.30% ng total na sambahayan. Ang tubig dito ay maayos at ligtas na inumin para sa mga mamamayan ng barangay na ito. Pagdating naman sa palikuran ay may 286 o 99% ay gumagamit ng water-sealed flush to sewerage/septic tank shared at ang gumagamit ng ibang pasilidad 1 o 0.30%, ang iba na walang palikuran ay 1 o 0.30% ng sambahayan.

 

TIRAHAN

Ang barangay V ay may 3 o 1.0% na sambahayan ang nakatira sa tagpitagpi na bahay.walang squatter na makikita dito dahil lahat ay may permit na nakuha nung panahon pa ni Mayor Cesar V. Platon at lahat ng bahay na naninirahan sa hindi nila pagaaring lupa ay may pahintulot.

 

EDUKASYON

Ang mga batang may edad 6-12 taong gulang sa barangay V na hindi pumapasok sa mababang paaralan ay may kabuuang 51 o 79.70% ng total na populasyon na may 251 at may bilang na 20 o 83.3% ng mga batang may edad na 13-16 taong gulang ang hindi pumapasok sa mataas na paaralan. Sa kabuuang 374 na populasyon ng pumapasok ay may 71 mga kabataan 6-16 taong gulang ang hindi pumapasok sa paaralan.

 

KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Sa nakaraang 12 buwan ay walang anumang sambahayan ang nagging biktima ng krimen. Karaniwang niulat na krimen sa barangay V ay panaka-nakang pang-aagaw ng cellular phones at panggugulo na kinasasangkutan ng mga taong dayo lamang.

 

 

Today, there have been 37 visitors (91 hits) on this page!
Dr. Meredith Grey: At the end of the day faith is a funny thing. It turns up when you don't really expect it. It's like one day you realize that the fairy tale may be slightly different than you dreamed. The castle, well, it may not be a castle. And it's not so important happy ever after, just that its happy right now. See once in a while, once in a blue moon, people will surprise you , and once in a while people may even take your breath away.
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free