SDBORJA22 (^^,)v
|
|
|
|
1. Bilang isang bagong kasapi, o napadaan lamang, magpakilala sa ibang miyembro bilang bagong kasapi (lalung-lalo na sa moderator :3). Sabihin ang pangalan, edad, tirahan, trabaho o eskwelahan, at saka lagdaan at ihulog sa mga drop boxes. O kaya magkwento ka lang ng kahit ano tungkol sayo, basta wag lang: "Hello! Bago po ako dito. Hihihi!".
2. Ugaliing sumali sa Group activities na tulad ng online polls.
3. Ugaliin ang pag-Email nang private. Huwag nang padaanin sa list ang mensahe kung para lang naman ito sa isang partikular na tao. Kung may personal kang tanong sa isang miyembro, mag-private mail. Kung may iwe-welcome ka, mag-private mail. Kung makikipag-away ka, mag-private mail. Kung di ka sigurado sa ginagawa mo at gusto mo pang tumagal ang buhay mo, mag-private mail.
4. Hindi tinatanggap dito ang file attachment. Kung para lang sa isa o iilang tao ang file mo, ipadala mo na lang ito sa kanila nang diretso. (See #3.)
5. Iklian ang quoted text. Huwag kopyahin ang buong text sa reply lalo na kung ang idudugtong lang naman e "Oo nga!"
6. Huwag gumamit ng mga salitang hindi naiintindihan ng nakararami. Bawal ang shortcuts na tulad ng "na22log" sa halip na "natutulog", at mga LeTrAnG NaKakAhiLO. Hindi mo kami textmate. Mah1rap REspEtohin aNg tao n gan2 mAG-tYpe.... at Ang 0piNYon n gAn2 iNiLahAd!!!!!!
7. Huwag gumamit ng malalaking signatures at mahahabang taglines. Nakakapagpalaki lang ito sa file size ng sulat mo at nakakapagpabagal sa pagda-download.
8. Hindi tinatanggap dito ang E-mail na walang nilalaman kundi Friendster invitation at mga katulad nito. May Friendster listing sa database link para sa mga miyembrong gustong mamigay at kumuha ng mga Email address para sa Friendster. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa pagbibigay ng iba pang personal na impormasyon.
9. Hindi tinatanggap dito ang mga "SPAM" o patalastas. Hindi kami interesado sa mga sex pills at adult toys.
10. Hindi tinatanggap dito ang mga walang kwentang "forwards" at chain letters.
11. Hindi tinatanggap dito ang mga topic na di malinaw ang subject, tulad ng: "tanong lang", "patulong naman po", at "ano sa tingin nyo?". Sabihin kaagad sa subject line kung tungkol saan ang tanong mo, anong tulong ang kailangan mo, o anong isyu ang hinihingian mo ng opinyon.
12. Hindi adult site ang Webpage na ito. Ipinagbabawal dito ang mga usaping sekswal upang maiwasan na gawin itong Restricted (R1 group ng mismong Yahoo, kung saan mga miyembrong 18 years old pataas lang ang pwedeng sumali.
13. Ang kwentuhan sa grupong ito ay LIMITADO sa Related Learning Experience(RLE) stuffs, batas, usapang komunidad, kalusugang pampamilya at mga PAPURI sa Moderator/Administrator ng webpage na ito (Pero siyempre, chika lang yung last). Pwede ring pagkwentuhan ang mga isyu sa buhay ni WU CHUN, pero pag Mon-Fri lang. Saka pag weekends.
14. Kung may iba kang kwento o kailangang tulong, pwede mo pa rin itong i-post bilang Off Topic basta may nakalagay na OT sa subject line. Ganito --> "OT: " Limitado lang sa iilang araw ang itatagal ng mga usapang OT. (See #13.)
15. Bawal dito ang "flaming" o ang pakikipag-away. Kung hindi magkaintindihan, abangan sa kanto ang kaaway at huwag idamay ang buong klase ng AO6A04. (See #3) Kung may miyembro na sa tingin mo ay naghahanap ng sakit ng katawan, ipaalam agad sa mga moderators upang masentensyahan (sdborja22@yahoo.com).
16. Bilang isang Moderator slash Administrator, maaari akong magbura ng mga posts na para sa akin ay walang kinalaman sa tunay na pakay ng webpage na ito at mukhang pamparami lang ng laman. Bawal magreklamo. (Batas? oo. Dictatorship ako.)
|
Today, there have been 19 visitors (64 hits) on this page! |
|
|
|
|
|
Dr. Meredith Grey: At the end of the day faith is a funny thing. It turns up when you don't really expect it. It's like one day you realize that the fairy tale may be slightly different than you dreamed. The castle, well, it may not be a castle. And it's not so important happy ever after, just that its happy right now. See once in a while, once in a blue moon, people will surprise you , and once in a while people may even take your breath away. |
|
|